San Diego County Vote Centers 101 - Tagalog

Posted on 05/31/2022
|

Noong nakaraang taon, nagbago ang sistema ng ating eleksyon sa pagpapatibay ng Voter's Choice Act - na tinatawag ding VCA.

Tatalakayin sa video na ito ang iba't ibang opsyong mayroon ka upang makaboto sa primaryang eleksyon sa June 7, 2022 sa County ng San Diego.

Ipapadala ang mga balota sa lahat ng nakarehistrong botante sa linggo ng May 9, humiling ka man o hindi ng balota sa pamamagitan ng koreo.

Kung hindi mo natanggap ang iyong balota, tingnan ang iyong registration status sa pamamagitan ng pagbisita sa website sa ibaba (https://www.sdvote.com/content/rov/en/Registration.html#CheckRegistration)

Ang mga botante ng San Diego ay mayroon na ngayong mas maraming araw at paraan para makaboto!
Ang una ay pagboto nang personal sa anumang vote center, saan ka man nakatira.
Ang pangalawa ay paghulog ng iyong nakumpletong balota sa drop box location o vote center.
Ang pangatlo ay pagpapadala ng iyong balota sa pamamagitan ng standard mail.

Mula May 28 hanggang June 6, 39 vote centers ang magbubukas mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.

Mula June 4 hanggang June 6, 180 vote centers ang magbubukas mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.

Sa June 7, lahat ng 219 vote centers ay patatakbuhin mula 7:00 AM hanggang 8:00 PM.

Upang malaman ang lokasyon at mga oras sa mga vote center, pumunta sa website sa ibaba (https://www.sdvote.com/content/rov/en/elections/election_information2/vote-center-locations.html.)

Upang mahanap ang vote center na pinakamalapit sa iyo, bisitahin ang website sa ibaba (https://www.sdvote.com/content/rov/en/voter-info-lookup.html).

Ang mga balota sa lahat ng vote centers ay isasalin sa Chinese, Spanish, Filipino, at Vietnamese.

Sa mga piling presinto, magkakaroon ng mga sangguniang balota sa Arabic, Japanese, Korean, at Laotian.

Kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa pagboto o nangangailangan ng tulong sa wika, mangyaring makipag-ugnayan sa call center ng Registrar na may mga bilingual na operator sa (800) 696-0136.
Maaari ka ring makipag-ugnayan nang direkta sa Registrar of Voters sa pamamagitan ng pagtawag sa (858) 505-7202.